A Shelter of Your Life's Memories
MAAASAHANG KAAGAPAY SA PIGHATI NG BUHAY
Ano ang
Kanlungan
Ang Kanlungan Columbary, Chapels and Crematory ay ang kauna-unahan at nag-iisang funeral service provider sa Sta. Maria, Bulacan na nagbibigay ng kumpletong funeral services.
Hangarin naming magbigay ng Kanlungan sa bawat pamilyang Pilipino-isang tahimik at payapang lugar kapiling ang mga namayapang mahal sa buhay.
Sa panahon ng pagdadalamhati, handang tumulong ang Kanlungan sa pamamagitan ng aming mga pasilidad at serbisyo tulad ng: funeral chapels, cremation service, at columbary vaults. Maaari ring makipag-ugnayan sa amin para sa advance funeral arrangements para sa iyo o sinumang mahal sa buhay.
Anuman and iyong pangangailangan sa panahon ng pamamaalam, maaasahan mo ang Kanlungan sa pag-iingat ng inyong mga alaala ng namayapa.
Mga Serbisyo
Mga Pasilidad
Columbary
Ang 2nd at 3rd floors ng Kanlungan ay ekslusibong nakalaan para sa columbarium niches kung saan inilalagak ang mga urns. Open space ito at nakahiwalay sa iba pang mga pasilidad.
Chapels
Dinisenyo ang tatlong (3) chapels sa Kanlungan para bigyan ng maayos at tahimik na lugar ang mga naulila para sa viewing ng mga huling labi ng namayapa.
Crematory
Gamit ang machine na pasado sa global standard quality, sinisigurado ng Kanlungan na buong ingat at galang na maisasagawa ang cremation service sa iyong mahal sa buhay.
Morgue
Ang mga embalsamador sa Kanlungan ay may lisensya at ekstensibong training at karanasan. Maaasahan ang kanilang maagap at maingat na serbisyo 24-oras.
Prayer Room
Ang Prayer Room ay nakalaang luger para sa pananalangin, pabasa, at pagbibigay-pugay sa namayapa.
Family Room
Bawat chapel ay may Family Room kung saan makakapamahinga o makakapag-meeting ang iyong pamilya sa panahan ng lamay. Ito ay may kama, cr, couch, at simpleng kusina.
Elevator
Upang matiyak ang mabilis at komportableng pag-iikot sa pasilidad, ang Kanlungan ay may-roong modern elevator na may kapasidad para sa 12-15 katao.








Our Trusted
Partner
About OurVault

Family Room
This room is used as a safe, quiet place where you and your family can talk with the funeral director to determine what kind of funeral plans you intend to make. Because this is such a private and personal thing to go through, most arrangement rooms are secluded from the rest of the rooms. - Function/Family Room 1 Mapayapa 34.71 sqm more or less. Function/Family Room 2 Matahimik 33.62 sqm more or less


Eternal rest grant upon them, o Lord. Let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen.
FAQFrequently Asked Questions
May iba’t ibang classification ang mga columbary vaults:
- Batay sa lokasyon
- Standard
- Premium
- Premium Plus
- Batay sa level o taas ng vault sa isang cluster
- Eye Level (Rows B, C at D)
- Top Level (Row A)
- Ground Level (Rows E at F)
Mabibili ang columbary vaults sa pamamagitan ng:
- Cash payment (may discount)
- Installment: 12 months (0% interest)
- Installment: 24 months, 36 months, 48 months, o 60 months (may kaukulang interest na tumataas habang tumatagal ang payment term)
Ang cremation service ay nagkakahalaga ng:
- PhP25,000 para sa regular cadaver
- PhP18,000 para sa mga buto na lang (dahil galing na sa tradisyunal na pagkakalibing)
Kasama na sa package ang isang regular-sized marble urn.
May tatlong (3) chapels sa Kanlungan Columbary. Bawat chapel ay kumpleto na sa mga gamit, kasama na ang Family Room na may living, dining, sleeping, at bath areas. Kasya ang 40-60 katao sa isang chapel, at ito ay nagkakahalaga lamang ng PhP I0,000/day (24 hours).
Contact Us
CONTACT INFO

Office Hours
8:30AM – 5:30PM
Monday to Saturday

- +(63)9 1711 5310 8
- www.kanlungan.com.ph
- Kanlungan Columbarium PH
- @kanlunganph